White Spot virus banta sa fishpond industry
MANILA, Philippines - Hiniling ng bagitong mambabatas sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na imbestigahan at agad pigilan ang pagkalat ng “White Spot Syndrome Virusâ€(WSSV) na banta sa mga fishpond industry sa bansa.
Sa House Resolution 783 na inihain ni 2nd district Zamboanga Rep. Lilia Macrohon-Nuño, sinabi nito na ang pagkalat ng WSSV ay lubhang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga pamilya na nakadepende sa industriya ng fishpond.
Paliwanag ni Macrohon-Nuño, ang nasabing virus ay nadiskubre noong 2010 sa mga apektadong fishponds sa Cebu, Bulacan at Zamboanga del Sur at hindi umano malayong kumalat pa sa buong Pilipinas dahil na rin sa geographical location ng mga lalawigan.
Ang WSSV umano ay umaatake sa mga prawns, shrimps at crabs at kamakailan lamang ay umatake umano ang virus sa Zamboanga city kung saan apektado nito ang mga barangay Vitali, Tictapul at Mangusu.
Base pa sa ulat mula sa normal na pagha-harvest na 1 hanggang 1.5 tonelada kada ektarya ng fishpond ay bumababa ito sa 200 kilos o mas mababa pa dahil sa naturang virus kayat lubhang apektado na umano ang kabuhayan ng mga pamilyang nakadepende lamang dito.
Base sa mga eksperto ang WSSV ay nag-iisang miyembro ng virus family Nimaviridae na isang napakalaking stranded DNA virus na nakakaapekto sa mga shrimp at iba pang crustaceans at isa sa senyales na mayroon nito ang mga hipon ay ang mga white spots dito.
Sa ulat ng BFAR posibleng ang nasabing virus ay maaaÂring makaubos ng hipon sa isang farm sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw at makapilay sa shrimp industry ng bansa.
Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay nasa ikatlo sa pinakamalaking exporter ng hipon sa buong mundo.
- Latest