^

Bansa

Dayuhan bawal magpapako sa krus

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

SAN FERNANDO CITY, Pampanga, Philippines - -- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapako sa krus ng mga dayuhan partikular sa Biyernes Santo sa Barangay Cutud ng lungsod na ito.

Sinabi ni Bgy. Cutud Chairman Remigio dela Cruz na ipinagbabawal nila na sumama sa pagpapako sa krus ang mga dayuhan ngayong Biyernes Santo.

Ipinaalala rin ng Department of Tourism na hindi isinusulong ng gobyerno bilang tourism attraction ang taunang pagpapako ng ilang deboto tuwing Biyernes Santo sa Brgy. Cutud.

Ayon sa San Fernando City Tourism Office, bagama’t dinadayo nang maraming turis­ta ang nasabing event, nais pa rin umano nilang mapanatili ang pananampalataya ng mga sumasali sa live crucifixion.

Tumutulong at nagbibigay naman umano ng assistance ang DoT para sa mga dayuhang nagtutungo sa kanilang lugar.

Una na ring inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nito sinusuportahan ang pagpapapako sa krus ng ilang Katoliko tuwing Semana Santa.

Sa taunang aktibidad sa nasabing lugar, hindi bumababa sa 50,000 hanggang 60,000 katao ang dumarayo sa lugar para saksihan ang Senakulo o mismong pagpapako sa krus ng ilang deboto.

Tiniyak naman ng pulisya na sapat ang bilang ng kanilang tauhan para bigyan ng seguridad ang okasyon, habang may nakaantabay rin na medical team para sa nangangailangan ng tulong.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CUTUD

BGY

BIYERNES SANTO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CUTUD CHAIRMAN REMIGIO

DEPARTMENT OF TOURISM

SAN FERNANDO CITY TOURISM OFFICE

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with