^

Bansa

Knockout ni Pacman vs Bradley ipagbubunyi ng Phil. Army

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Knockout man o hindi, ipagbubunyi ng mahigit 80,000 hukbo ng Philippine Army ang inaasa­hang pagwawagi ni boxing icon at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao sa rematch nito kay American boxer Timothy Ray Bradley Jr. ngayong umaga.

Sinabi ni Army spokesman Lt. Col Noel Detoyato na suportado nila ang laban ni Pacman na isa sa kanilang mga reservist at may ranggong Lt.Colonel.

Ayon kay Detoyato, magkakaroon rin ng free viewing sa Army gymnasium para sa mga sundalo at kanilang mga dependents sa nasabing rematch nina Pacman at Bradley kung saan inaasahang titigil muli ang mundo ng mga Pinoy.

Sa kabila nito, ayon kay Detoyato ay mananatili naman ang pagiging vigilante ng mga sundalo at operasyon lalo na ang mga sumasabak sa combat duties.

Inihayag ng opisyal na may mga kampo rin ng Philippine Army ang magkakaloob ng free viewing sa mga field units nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang mga kampo na walang telebis­yon dahil nasa malala­yong lugar ay maaring makinig na lamang sa mga radyo sa nasabing boxing match.

 

AYON

BRADLEY

COL NOEL DETOYATO

DETOYATO

PACMAN

PHILIPPINE ARMY

SARANGANI REP

TIMOTHY RAY BRADLEY JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with