^

Bansa

Open High School isinusulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang “open high school” para sa mga nangangarap makapagtapos ng high school pero walang panahon upang pumunta sa eskuwelahan upang mag-aral.

Sa Senate Bill 2156 ni Senator Sonny Angara, binanggit na sa 2010 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), ilang economic, geographic at time-bound factors ang kabilang sa mga dahilan kung bakit ayaw mag-aral ng mga kabataan lalo na sa high school.

Iniulat ng APIS na ang kawalan ng personal na interes at kawalan ng ganang magtrabaho at mahal na edukasyon ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw mag-enroll ng nasa 6.24 milyong kabataan sa bansa.

Sinabi ni Angara na napakahalaga na ma­kapagtapos ng high school ang mga kabataan upang mas magkaroon sila ng oportunidad na umasenso sa buhay.

Sa Open High School Sytem o OHHS gagamitin ang mga alternatibong paraan katulad ng print, radio, television, at iba pang multi-media sa pag-aaral upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na matuto ng hindi na sumasailalim sa makalumang “classroom setup”.

Kung ma­ging batas ito ay tatawaging “Open High School System Act” na hihikayat na mag-aral kahit hindi pumapasok sa eskuwelahan hindi lamang ang mga kabataan kundi maging ang mga matatandang nais matuto.

ANGARA

ANNUAL POVERTY INDICATORS SURVEY

HIGH

INIULAT

OPEN HIGH SCHOOL SYSTEM ACT

SA OPEN HIGH SCHOOL SYTEM

SA SENATE BILL

SENATOR SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with