Sa pagdagsa ng mga bakasyunista Sagabal sa nat’l highway aalisin
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunita ngayong Semana Santa, pinamamadali ni Public Works and Highways Secretary Rogelio L. Singson sa lahat ng regional at district officers nito na atasan ang lahat ng kontraktor na alisin ang lahat ng sagabal sa mga national highways.
Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng maÂbigat na daloy ng trapiko ang mga patungo sa mga lalawigan ng Bicol, Ilocos, Pangasinan, La Union, Cordillera region at maging sa Baguio City.
Isinasagawa naman ang major road improvement projects sa kahabaan ng Manila North road sa Urdaneta-Binalonan-Pozorrubio-Sison section at Villasis sa Pangasinan.
Gayundin ang road widening works sa Km 265 hanggang 269 sa La Union; Bantay section sa Ilocos Sur at sa Banban at Baruyen bridges sa Bangui, Ilocos Norte.
Pinaiiwasan din ng DPWH sa mga motorista ang Kennon road patuÂngong Baguio partikular sa km 236+500 dahil sa isinasagawang pavement rehabilitation works kung saan ang Marcos highway ang alternatibong daanan patungo sa pinakasikat na pasyalan ng mga lokal at dayuhang turista.
Samantala, sa mga bibiyahe naman na dadaan sa Daang Maharlika (Manila South Road), may isinasagawang road widening din sa Tabugon-Sta. Elena section at konstruksyon sa Labo, Bulala, Cabuluan at Laniton Bridges sa Camarines Norte, sa San Jose Bridge sa Pili, Camarines Sur; Bascaran, Cabangan at Oas Diversion Bridges sa Albay; at Daang Maharlika improvement project sa Sorsogon.
Inatasan din ni Singson ang lahat ng tauhan nito na magsagawa ng road check kabilang ang paglalagay ng directional signs, pagsasara ng mga sirang kalsada bago ang Semana Santa kung saan bahagi ito ng kampanya ng DPWH sa taunang programa nitong “Lakbay Alalayâ€.
- Latest