Recall election sa P. Princesa walang pondo
MANILA, Philippines - Wala umanong magaganap na recall elections sa Puerto Princesa matapos ianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na walang pondo para rito.
Ikinatuwa naman ito ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron na naniniwala na ang recall elections ay makaka-istorbo lamang sa kasalukuyang trabaho ng mga city officials.
Matatandaang tinalo ni Bayron sa eleksyon ang asawa ni dating mayor Edward Hagedorn matapos na lamangan ito ng mahigit sa 10,000 boto.
Muli ring iginiit ni Bayron na taliwas sa pahayag ng kanyang mga detractors, ang Puerto Princesa ay mayroong ideyal na peace and order situation sa ngayon at maaari kang maglakad sa kalsada kahit anumang oras sa gabi nang walang pag-aalala sa iyong kaligtasan.
Sa loob lamang anya ng pitong buwan niyang pamumuno ay mas dumami pa ang mga turistang dumagsa sa Puerto Princesa, gayundin ang mga investors, kumpara sa kahalintulad na panahon ng nakalipas na administrasyon.
Hinimok pa ng alkalde ang mga mamamayan na magtrabaho na lamang ng masigasig at tahimik para sa higit pang pag-unlad ng kanilang lugar at mga buhay.
- Latest