Trust rating ni PNoy bumagsak
MANILA, Philippines - Bumagsak ang trust rating ni Pangulong Aquino sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Mula sa 74 percent noong Disyembre 2013 ay bumagsak ito sa 69 percent nitong Marso.
Sa kabila ito ng naging achievement ng Aquino government sa pag-aresto sa high profile fugitives na sina Delfin Lee at mag-asawang CPP-NPA leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Pero nanatili naman sa 70 percent ang approval rating ni Pangulong Aquino sa 1st quarter ng 2014.
Lumitaw din sa Pulse Asia survey na nananaÂtili ang pagtitiwala ng taumbayan kay Aquino sa pamumuno nito sa gobyerno.
Ang survey ay isinaÂgawa ng Pulse Asia maÂtapos maaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang Tiamzon nitong Marso 22 sa Cebu.
Samantala, sinabi naman ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ang pananatiling tiwala ang taumbayan kay Pangulong Aquino ay dahil sa ‘tuwid na daan’ na ipinapaÂtupad nito bukod sa mga programang mag-aangat sa kabuhayan ng bawat Filipino.
- Latest