Good luck, wish ng BIR kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Nagpaabot ng kanyang “good luck†wish si BIR Chairman Kim Henares kay boxing camp at Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa kanyang laban kay WBO welterweight champion Timothy Bradley Jr. sa Linggo, April 13 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.
Ayon kay Henares, malaki ang tsansa ni Pacquiao na manalo kontra kay Bradley basta’t huwag nitong isipin ang kanyang kinakaharap na kasong tax evasion.
Anya, hangad niyang manalo si Pacman sa rematched game nito bagamat hindi anya siya manonood ng laban ng pambansang kamao.
Si Pacman ay naging kontrobersyal dahil sa sinasabing hindi nababayarang buwis sa BIR na umaabot sa P2.2 billion mula sa mga naging laban nito sa boxingÂ.
- Latest