Cedric, Deniece, 5 pa pinakakasuhan Rape vs Vhong ibinasura ng DOJ
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong rape laban sa aktor at TV host na si Vhong Navarro na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo dahil bigong makakita ng proÂbable cause rito.
Kasabay nito, pinakakasuhan naman ng DOJ ang grupo nina Cedric Lee at Cornejo dahil sa pambubugbog sa aktor.
Kasama sa mga piÂnaÂÂkakasuhan sina Bernice Lee, kapatid ni Cedric; Zimmer Raz; Jose Paulo Gregorio Calma; Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.
Isinampa na kahapon ng DOJ sa Taguig City Regional Trial Court ang kasong paglabag sa ArÂticle 267 ng Revised Penal Code o serious illegal detention at Article 286 o grave coercion laban kina Lee, Cornejo at mga kasama.
Nangyari ang umano’y pambubugbog ng grupo ni Lee noong Enero 22, 2014 sa condominium unit ni Cornejo sa Taguig.
Iginigiit ng kampo ni Lee na kaya lang nila binugbog si Navarro ay dahil tinangka nitong gahasain si Cornejo.
Naratay si Navarro sa ospital at pinanindigan nito ang kanyang pahayag na “set up†ang nangyari.
Ang kasong serious illegal detention ay isang non-bailable offense o walang katapat na piyansa.
Ang naturang kaso ay na-i-raffle sa sala ni Taguig City RTC Judge EspeÂranza Cortez ng Branch 271.
- Latest