Czech Amb. haharap sa MRT probe
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng Malacañang ang pahayag ni Czech Ambassador Joseph Rychtar na handa itong humarap sa congressional inquiry hinggil sa umano’y $30 million extort attempt ni MRT 3 general manager Al Vitangcol.
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, welcome development ang gagaÂwing kooperasyon ni Amb. Rychtar na nagsabing hindi siya takot kay Vitangcol na harapin kahit saang imbestigasyon.
Hindi naman masabi ni Valte kung bakit sa Kongreso at hindi sa DoTC balak magsalita si Rychtar.
Inihayag ni Valte na mismong si Rychtar ang boluntaryong nagwe-waive sa kanyang diplomatic immunity.
Umapela naman si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa pamahalaan at sa Liberal Party (LP) na tigilan na ang panghaharass kay Ambassador Rychtar.
Ito ay ang reaksyon ng kongresista matapos na magpahayag kahapon ang LP na binubuhay lamang nila sa oposisyon ang imbestigasyon at isyu sa MRT extortion para sa expansion project upang madawit ang administration party sa isyu.
Ayon kay Colmenares, halata naman na umiiwas ang LP na talakayin ang isyu ng pangingikil ng DOTC sa MRT expansion project at pilit na iniuugnay na may kinalaman ito sa 2016 elections.
- Latest