^

Bansa

2 PPA official sabit sa ‘pagnanakaw’ ng bakal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang opisyal ng Philippine Ports Autho­rity (PPA) ang inireklamo dahil umano sa ‘pagnanakaw’ ng mga bakal o scrap iron sa South Harbor, Maynila.

Iniutos na ni PPA Ge­neral Manager Juan Sta Ana na isailalim sa masusing imbestigasyon sina PPCI Billy Estrada at RMD Manager Alejandro Tan na sinasabing magkasabwat sa iligal na ‘pagbebenta’ ng isang truck na bakal sa isang junk shop.  Ang nasabing mga bakal ay pag-aari ng pamahalaan na galing sa mga ginibang gusali sa bakuran ng PPA.

Nabatid na noong Marso 15, 2014 ay isang asset ang tumawag sa PPA police at isumbong ang pagkuha ng mga bakal ng apat na kalalakihan na kanilang isinasakay sa isang ELF-300 pick-up truck na may plakang PYF-987.

Agad naman nirespondehan ni PPCI Ignacio Flores Jr., hepe ng Intelligence and Investigation section ng PPA police ang nasabing tawag at pagdating nito sa lugar ay kanyang nakita ang apat na ‘job order utility personnel’ na nagsasakay nga ng mga bakal sa truck habang sila ay iniiskortan ni Estrada sakay ng mobile car ng PPA.

Ibebenta na sana sa Tunael junk shop ang nasabing mga bakal pero pinigil at hinarang ni Flores kaya nagwala si Estrada at sinabing “Bakit mo hinuhuli ang truck, hindi mo ba alam na ayos na iyan”.

Nagtawag pa si Estrada ng Port Mall Security guard kaya muntik ng magkabarilan at  dumanak ang dugo sa magkabilang  panig.

Pumasok naman sa eksena si Tan dahil tinawagan ni Estrada at nang isusulat na, sa kanilang police blotter ang naganap na insidente ay galit na galit na ‘pinagmumura’ ni Tan si Flores.

 

BAKAL

BILLY ESTRADA

IGNACIO FLORES JR.

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION

MANAGER ALEJANDRO TAN

MANAGER JUAN STA ANA

PHILIPPINE PORTS AUTHO

PORT MALL SECURITY

SOUTH HARBOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with