^

Bansa

Domeng lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumakas ang bag­yong Domeng na bi­nabantayan ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) na nasa karagatang Pasipiko na nagbabantang pumasok sa Pilipinas ngayong Linggo.

Alas-10 ng umaga kahapon, nasa layong 1,470 kilometro silangan ng Southern Mindanao o sa bisinidad ng Caroline Islands ang sentro ng naturang bagyo taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro kada oras.

Ito ay kumikilos sa bilis na 20 kilometro pakanluran hilagang kanluran.

Sakaling hindi mabago ang bilis at direksiyon ng bagyo ay mapapaaga ang pagpasok nito sa karagatang sakop ng Pilipinas ngayong Linggo ng tanghali.

Bagamat malayo pa naman ang kinaroroo­nan ng bagyo, ibayong paghahanda ang dapat gawin ng mga taga Eastern Visayas at Mindanao na siyang tinutumbok ng hagupit ng bagyo.

Kahapon ay patuloy na maalinsangan  ang lagay ng panahon sa ma­laking bahagi ng bansa mula Luzon, Visayas at Mindanao.

BAGAMAT

CAROLINE ISLANDS

DOMENG

EASTERN VISAYAS

LINGGO

MINDANAO

PHILIPPINE ATHMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES

PILIPINAS

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with