Bagyo sa tag-init papasok sa Linggo
MANILA, Philippines - Sa kabila ng matinding init ng araw dulot ng panahon ng summer, isang Low Pressure Area (LPA) na inaasahang magiging bagyo ang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, araw ng Linggo.
Sinabi ni Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA na ang LPA ay huling namataan sa layong 2,000 kilometro silangan ng Mindanao at kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.
Bunga ng pagpasok ng bagyo na tatawaging Domeng, pinapayuhan ang publiko na maghanda at ugaliing mapagmasid sa paligid para makaiwas sa anumang aberya dulot ng masamang panahon.
Bagamat mainit sa iba’t ibang panig ng bansa, magbibigay naman ng bahagyang paglamig ng klima ang parating na bagyo.
- Latest