Freeze order vs assets ni Napoles
MANILA, Philippines - Mananatili ang freeze order laban sa mga ari-ariÂan ni Janet Lim-Napoles hanggat hindi nareÂresolba o nagbababa ng desisyon ang korte sa forfeiture case na inihain ng Anti Money LaunÂdering Council (AMLC) laban dito.
Sa pamamagitan ng 33-pahinang Asset PreÂservation Order (APO) na ipinalabas kahapon ni Manila Regional Trial Court Branch 22, ExeÂcutive Judge Marino Dela Cruz, pinalawig ang pagpigil sa mga bank accounts, money instruments, mga sasakyan, real properties at iba pang asset ng mga resÂpondent na nakapaghain ng komento sa petisyon ng AMLC, gayundin ang mga nakatanggap ng kopya ng provisional asset preservation order o PAPO na inisyu ng hukuman noong Pebrero.
Sakop ng APO ang mga asset nina Napoles, kapatid nitong si Reynald Lim, asawang si Jaime Napoles at mga anak na sina James ChrisÂtopher, Jeane Catherine, Jane Catherine at John Christian.
Saklaw din ang mga asset ng whistleblower na sina Benhur Luy, Arthur Luy, Gertrudes Luy, William Lim, Simonette Briones at Ruby Tuason..
Hiniling ng AMLC ang forfeiture sa mga assets nang matukoy nila sa imbestigasyon na walang lehitimong pinagkakitaan ang mga sangkot sa paÂnahong naganap ang pork barrel scam.
Si Napoles at iba pang respondents ay nahaharap sa plunder at graft charges sa Office of the Ombudsman.
- Latest


















