Arraignment ni Corona iniusog sa Hunyo
MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Court of Tax Appeals ngayong Miyerkules ang petisyon ng kampo ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na iusog ang kanyang arraignment sa Hunyo.
Hiniling ni Corona na huwag muna siyang basahan ng sakdal dahil naka binbin pa sa Department of Justice ang kanilang inihain na motion for reconsideration para sa kasong tax evasion.
Gagawin ang arraignment sa Hunyo 4, alas-9 ng umaga.
Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Corona ng tax evasion dahil sa hindi pagsasaad ng tamang ari-arian sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth sa taong 2003 hanggang 2010.
Pansamantalang nakalaya si Corona matapo magbayad ng P120,000 na piyansa para sa 12 counts ng tax evasion.
Nasipa sa puwesto si Corona matapos hatulan ng impeachment court ng guilty noong Disyembre 12, 2011.
- Latest

















