Whistleblower sa BOC namumuro sa libel
MANILA, Philippines - Matapos nitong umatras at akusahan ang isang Customs deputy Commissioner na siya umanong nasa likod ng paninira sa kapwa deputy commisÂsioner na si Jesse Dellosa namumurong makulong at madawit sa kasong libelo si Lamberto Lopez,
Sa panayam kay Atty. JV Bautista, abogado ng inaakusahang si Customs deputy Commissioner Ariel Nepomuceno, maaaring napuwersa ng ilang grupo si Lopez na iatras ang naisampang kaso laban kay Dellosa at akusahan naman si Nepomuceno upang pagsabungin lamang ang dalawa.
Sa isinampang kasong katiwalian ni Lopez laban kay Dellosa sa Tanggapan ng Ombudsman, kinikilan umano ng mga tauhan ni Dellosa si Lopez upang mabilisang mailabas ang mga kargamentong ipinasok ng kumpanya ni Lopez sa bansa. Una umanong humingi ng P200,000 ang mga tauhan ni Dellosa kay Lopez na siya nitong pinagbigyan. Nagulat na lamang si Lopez nang hingin pa umano siya ng ikalawang bayad o “tara†nina Dellosa kapalit ng pagpapalabas ng mga kargamento.
Nang umalma sa publiko si Dellosa, agad namang nagtungo sa Ombudsman si Lopez upang iurong ang kasong katiwalian. Sa kanyang pag-atras, tahasan nitong isinabit ang isang staff ni Nepomuceno na siya umanong nakiusap sa kanya na isampa ang kaso laban kay Dellosa.
Para kay Atty. Bautista, isa umanong imbento at pawang kwentong kutsero lamang ang ginawa ni Lopez. Maaari umanong napilitan itong baliktarin ang sitwasyon sa takot.
“Kilala ko na ng matagal na panahon si deputy commissioner Ariel Nepomuceno. Siya ay isang opisyal at maginoo. Wala sa katauhan ni Nepomuceno ang magpakalat ng kasinungalingan laban sa kapwa opisyales, lalo na sa isang dating AFP chief of Staff. Sa totoo, kabilang si Nepomuceno sa mga grupo ng mga dating militar na naghahangad ng reporma at pagbabago sa gobyerno. Imposibleng gawin niya ang inaakusa sa kanya nitong si Lopez.“ ani Bautista.
Nauna nang pinaÂbulaanan ni Nepomuceno ang inisyal na mga akusasyong siya ang may pakana upang sirain si Dellosa sa mata ng publiko. Bilang miyembro ng PMA class 1987, may mataas na pagpapakitungo si Nepomuceno kay Dellosa, na kapwa mistah at dating pinakamataas na opisyales ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
“Peer ko at senior officer si deputy commissioner Dellosa. Malaki ang respeto ko sa kanya, bilang opisyal at bilang maginoo. Hindi ko magagawang siraan siya sa publiko sapagkat naniniwala akong kasama ko siya sa mga kilusing may kaugnayan sa pagbabago, “ ani Nepomuceno.
- Latest