LTFRB nagbanta sa jeepney fare hike
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Land Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi sila mangingiming suspendihin at tanggalan ng prankisa ng sinumang operator at driver ng jeep na magtataas ng singil sa pasahe ngayon.
Ayon sa ahensya, malinaw umano ang kanilang utos ukol sa pagtaas ng pasahe at hindi umano nila kailangang gawin ito alinsunod sa ipinatutupad ng batas.
Aksyon ito ng ahensya, bunsod ng banta ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na itutuloy nila ang karagdagang singil na P0.50 sentimos sa pamasahe kahit pa walang permiso ang ahensya.
Pero sabi ng LTFRB, magpapakalat sila ng mga tauhan ngayong Lunes na magmo-monitor kung tutuong naniningil ang transport group at handa silang patawan ito kapag napatunayan.
Hinikayat din ng ahensya ang mga pasahero na huwag mag-atubiling ipabatid sa kanila ang reklamo laban sa mga driver na naniningil ng dagdag pasahe.
- Latest