^

Bansa

Sekyu pinagtripan, kritikal sa bugbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang security guard makaraang pagtripan at pagtu­lungang bugbugin at saksakin ng tatlong lalaki na lango umano sa alak, kahapon ng madaling- araw sa Ma­labon City.

Isinugod sa Paga­mutang Bayan ng Ma­labon dahil sa mga saksak ng basag na bote ang biktimang si Aldrin Paulo Gorospe, 23, ng Palduim St., Goldendale Subd., Brgy. Tinajeros, ng naturang lungsod.

Nadakip naman sa ikinasang operasyon ang dalawang suspek na nakilalang si Tomasito Torres at Jonathan Pajios, ng #45 Governor Pascual, Pioneer Compound, ng naturang barangay.

Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na nakilalang si Rod Capaguan, alyas Ode.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad mag-isa ang biktima dakong ala-1:30 ng madaling araw nang makasalubong sa may Rivera St., Brgy. Tina­jeros ang tatlong lasing na suspek. Bigla na lamang umanong pinaligiran ng mga suspek.

Nang tanungin kung ano ang atraso niya, dito na umano siya pinagsusuntok  habang isa sa mga ito ang nagbasag ng bote ng alak na dala at sinaksak siya.

Nakaligtas sa po­sibleng kamatayan ang biktima nang mapadaan ang nagpapatrulyang grupo ng mga barangay tanod na humabol at nakaaresto sa dalawa sa mga suspek.

vuukle comment

ALDRIN PAULO GOROSPE

BRGY

GOLDENDALE SUBD

GOVERNOR PASCUAL

JONATHAN PAJIOS

PALDUIM ST.

PIONEER COMPOUND

RIVERA ST.

ROD CAPAGUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with