^

Bansa

Senate probe hingi sa 90,000 PCOS machines

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang anti-graft group sa Senate Electoral Reforms Committee (SERC) na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel na magsagawa ito ng imbestigasyon tungkol sa ‘total poll-worthiness’ ng P1.8-billion worth 90,000 precinct-count optical scanners (PCOS) upang masiguro ang fraud-free 2016 elections.

Sinabi ni Jonathan Sinel, spokesman ng Movement Against Graft and Abuse of Power (MAGAP, ito ang tamang pagkakataon upang magsagawa ng imbestigasyon ang SERC upang mapigilan ang anumang planong pandaraya sa darating na 2016 elections.

Wika ni Sinel, dapat alamin din ng SERC ang tunay na kalagayan ng 90,000 PCOS machines na dapat ay nakaimbak sa isang warehouse na mayroong memory configuration sa Laguna na pinondohan ng Kongreso.

“Once and for all, SERC must look into PCOS poll-worthiness, including serious probe on disturbing issues that spoiled the integrity of the 2010 and 2013 elections results -- to uncover; prevent; and set for a fraud-free 2016 Presidential, Senatorial, and local elections,” giit pa ng MAGAP.

Nagtakda ang SERC ng kanilang pagsisiyasat sa Mayo. Anila, ang kailangan lamang ay ang upgrading ng 90,000 PCOS machines kaysa muling gumastos ang gobyerno para sa pagbili ng P60-B na DRE.

Magugunita na nakabinbin pa rin ang protesta ni DILG Sec. Mar Roxas sa 2010 vice-presidential elections bukod sa iba pang mga election protests nitong 2013 elections na kinabibilangan ng 62 electoral protests kabilang ang 32 congressional candidates kasama si Aga Muhlach.

AGA MUHLACH

ANILA

ELECTIONS

HINILING

JONATHAN SINEL

KOKO PIMENTEL

KONGRESO

MAR ROXAS

MOVEMENT AGAINST GRAFT AND ABUSE OF POWER

SENATE ELECTORAL REFORMS COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with