30 days suspension vs Nova bus
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng 30 araw ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Nova Auto Transport Inc. makaraang mapatunayan ng ahensiya na ugat ito ng banggaan ng tatlong bus sa may loading bay ng Philcoa-Commonwealth Avenue sa QC noong nagdaang Sabado na ikinasugat ng may 50 katao.
Ito ayon kay Atty. Anna Salada, media officer ng LTFRB ay makaraang imÂbestigahan ng ahensiya ang naganap na banggaan sa pagitan ng isang unit ng bus ng Nova Auto Transport Inc. (TWL 693), isang bus unit ng Marikina Auto Line Transit (VVT 155) at isang unit ng Safeway Bus (UVJ 465) sa nabanggit na lugar.
Batay sa imbestigasÂyon ng LTFRB, nakahinto sa loading bay ang unit ng Marikina Auto Line at Safeway bus para kumuha ng pasahero nang paharurot na dumating dito ang bus ng Nova na bumangga sa nabanggit na dalawang bus.
Anya, 15 unit ng Nova Auto Transport na kasama sa prangkisa ng nabanggang bus ang hindi pinapayagan ng LTFRB na pumasada sa ngayon.
Niliwanag ni Salada na karaniwan nang isang buwang paghinto sa opeÂrasyon ang iginagawad ng LTFRB sa mga bus company na nasasangkot sa aksidente sa lansaÂngan.
- Latest