P.50 fare hike inisnab ng LTFRB
MANILA, Philippines - Hindi pinayagan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na maipatupad ang 50 sentimo na provisional increase sa pasahe ng mga passenger jeepney.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, walang sapat na basehan para maitaas sa 50 cents ang minimum na pasahe na kasalukuyang nasa P8.00.
Binigyang diin ni Gines na hindi pa naman lumaÂlampas sa panuntunan na P45 per liter ang halaga ng diesel mula May 2012 hanggang June 2013 kayat walang dahilan para payagan ang taas-pasahe
March 2012 huling naitaas ang singil sa pasahe ng jeep na 50 centavos.
Sinabi ni Gines na kakanselahin niya ang prangkisa ng pampasaherong jeep na magtataas ng pasahe nang walang pahintulot ng LTFRB.
Nauna nang nag-file ng petisyon ang iba’t ibang transport groups na makapagpatupad sila ng 50 centavo provisional increase sa minimum na pasahe o gagawin nilang P8.50 ang minimum fare bunga ng epekÂto ng mataas na halaga ng petroleum products, spare parts, car maintenance expenses kasama na ang mataas na halaga ng bilihin at bayarin sa serbisyo.
Kapag provisional increase ang ipatutupad, hindi na kailangan pang dumaan sa serye ng public hearing ang petisyon at agad itong ipatutupad kapag naaprubahan ng LTFRB.
Nagbanta naman ang transport groups na ipatutupad pa rin nila ang taas pasahe sa darating na araw ng Lunes kahit hindi naaprubahan ang kanilang kahilingan.
- Latest