Mag-asawang Tiamzon kinasuhan na
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong kriminal ang mag-asawang mataas na opisÂyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon at ang grupo nito matapos na sila ay maaresto noong Sabado sa Cebu.
Isinailalim kahapon sa inquest proceedings sa Camp Crame ang mag-asawang Tiamzon at kanilang grupo sa illegal possession of firearms, explosives and ammunitions at harbouring of criminals ang panibagong isinampang kaso laban sa kanila.
Kasabay nito, nanindigan ang PNP na legal ang ginawang pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon at kasamahan ng mga ito. Ang mag-asawa ay may P5.7 M reward kaugnay ng paglabag sa ‘crime against humanity’ .
Sinabi ni PNP-CIDG National Capital Region (PNP-CIDG-NCR) Director P/Sr. Supt. Roberto Fajardo na may basehan ang pag-aresto ng mga awtoridad sa mag-asawang top leader ng CPP-NPA.
Iginiit ni Fajardo na ang mag asawa ay hindi na saklaw ng Joint Agreement on Immunity and Safety Guarantees (JASIG) matapos na kumalas sa napagkasunduan para sa usapang pangkapayapaan, kung kaya’t walang nalabag ang mga operatiba ng militar at pulisya.
Nanindigan din si FajarÂdo na may bisa ang inquest proceedings na isinagawa ng mga piskal ng Department of Justice sa Camp Crame laban sa mag asawang Tiamzon dahil maari naman itong gawin kahit saang lugar, pero ang pagdinig sa kasong kinakaharap ng mga respondents ay sa Cebu na gagawain.
- Latest