^

Bansa

LPA magpapaulan sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  -- Wala nang pag-asang bumalik ang bagyong Caloy pero mananatili ang epekto ng low pressure area (LPA) sa buong bansa na magdadala ng maulap na kalangitan, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.

Namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang LPA sa karagatan ng Sulu kaninang alas-4 ng umaga.

Inaasahang mawawala ang sama ng panahon bukas ngunit sa ngayon ay magdudulot pa ito ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan.

Magiging maulap ang kalangitan ng Visayas na may mahina hanggang sa panaka-nakang malakas na pag-ulan.

Maulap rin ang papawirin ng Northern Mindanao, Bicol Region, Mimaropa at sa probinsiya ng Surigao na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na may pagkulog at kidlat.

Makararanas naman ng maulap na kalangitan ang Cagayan Valley at Aurora na may mahinang ulan, habang bahagyang maulap sa Metro Manila na may pulu-pulong pag-ulan na may kulog at kidlat.

Si Caloy ang pangatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon, habang una ngayong buwan.

BICOL REGION

CAGAYAN VALLEY

CALOY

INAASAHANG

MAGIGING

METRO MANILA

NORTHERN MINDANAO

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SI CALOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with