Ex-PCSO official nagpasok ng not guilty sa plunder case
MANILA, Philippines - Nagpasok ng not guilty plea sa kasong plunder si dating PCSO board member Jose Taruc V, kasama ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na kinasuhan ng plunder kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kahapon ng umaga, dumating sa Sandiganbayan First Division si Taruc na nakaposas at bantay-sarado ng mga pulis para sa arraignment kasama ang abogado nitong si Atty. Filibon Tacardon.
Kinumpirma ni Tacardon na nagtago ang kanyang kliyente sa Amerika bago sumuko. Anya wala naman silang plano na gawing state witness si Taruc.
Tikom naman ang bibig ni Taruc na sabihin ang dahilan kung bakit ngayon lamang ito lumutang para harapin ang naturang kaso.
Kaugnay nito, itinakda ng Sandiganbayan first division na isagawa ang paglilitis sa kaso sa Marso 26.
Hanggang wala pang resolusyon ang Sandiganbayan sa mosyon ni Taruc na siya ay makapagpiyansa ay mananatili ito sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame.
- Latest