Mount Banahaw nasusunog
MANILA, Philippines - Nasusunog pa rin ang isang bahagi ng Mount Banahaw sa probinsiya ng Quezon ngayong Huwebes, ayon sa state disaster response agency.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagsimula ang sunog bandang 6:30 kagabi.
Dagdag nila na walang magawa ang mga bumbero upang apulahin ang apoy dahil sa taas ng bundok.
"Fire is still spreading as of the moment. Progress of investigation still ongoing," pahayag ng NDRRMC sa kanilang website ganap na alas-8 ng umaga.
Iniisantabi na ng mga awtoridad ang anggulong forest fire sa sanhi ng sunog dahil hindi pa naman tuyot ang bundok at hindi pa rin matindi ang init.
Isa sa mga hinala nila ay may mga nag iwan ng nakasinding kandila mula sa mga namanata sa itaas ng bundok.
Pinaghahahanap pa rin hanggang ngayon ang mga namanata sa bundok.
- Latest