^

Bansa

Pasabog ng 2 sinibak na NBI officials minaliit ng DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minaliit ni Justice Secretary Leila de Lima ang sinasabing ‘pasabog’ ng dalawang nasibak na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ng kalihim na hindi rin makakatulong sa pagpapatuloy ng kaso sa pork barrel scam ang mga nalalaman nina Deputy Director for Intelligence Services Reynaldo Esmeralda at Deputy Director for Special Investigation Services Ruel Lasala.

Ani de Lima, huli na para pakinggan ang diumano’y mga impormasyong hawak ng dalawang dating deputy directors.

Kamakalawa nang maglabas ng hinanakit sina Lasala at Esmeralda sa biglaang pagsibak sa kanila na hindi naman umano binanggit ang dahilan at hindi rin malinaw kung sila ay nasa floating status.

Anila, nakahanda silang humarap sa Senado sakaling ipatawag ng Blue Ribbon Committee at isiwalat kung sino ang mga tinutukoy nilang kasalukuyan at dating opisyal ng NBI na ilang beses na nakausap ni Janet Lim Napoles bago desisyunan ang kasong serious illegal detention nito sa DOJ. Nangyari umano ang pag-uusap sa isang restoran at isang 5-star hotel.

Gagawin umano nila ang pagsisiwalat alang-alang sa diwa ng katotohanan at transparency.

Lumutang naman na sina dating NBI director Nonnatus Rojas at NBI Deputy Director Rafael Ragos ang mga binabanggit.

Matatandaan na nagbitiw si Rojas sa NBI noong Setyembre 2013 kasunod nang lumabas na ulat na may nag-tip na dalawang opisyal ng NBI kay Napoles tungkol sa gagawing pag-aresto sa kaniya.

Gayunman, walang nakaaresto kay Napoles sa halip ay sumuko ito sa Malakanyang.

Si Napoles ay nahaharap sa kasong serious illegal detention dahil sa ginawang pagtatago umano sa dati niyang tauhan na si Benhur Luy na whistleblower ngayon sa pork scam.

 

vuukle comment

BENHUR LUY

BLUE RIBBON COMMITTEE

DEPUTY DIRECTOR

DEPUTY DIRECTOR RAFAEL RAGOS

INTELLIGENCE SERVICES REYNALDO ESMERALDA

JANET LIM NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NONNATUS ROJAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with