Dayo tinadtad ng bala
MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na sinaÂsabing dumayo lamang ang napatay nang baÂrilin ng pitong beses ng hindi pa rin tukoy na salarin, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang inilarawan sa 40-45 anyos, may taas 5’4’’-5’7’’, katamtaman ang paÂngangatawan, pinaniniwalaang miyembro ng ‘Sputnik gang’, may tattoo na “Ayin†sa kanang daliri at tribal tattoo sa likurang bahagi ng katawan.
Sa SPO1 John Charles Duran ng MPD-Homicide Section, dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang matagpuang duguan ang biktima sa Building 16, Temporary Housing Unit sa Balut, Tondo, Maynila.
Sinabi ni Duran na walang nakakakilala sa biktima sa lugar.
Inaalam pa ang motibo at mga pagkiÂkilanlan ng mga sangkot sa pangyayari. Dinala ang bangkay sa Nathan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.
- Latest