^

Bansa

‘Flip-flopping’ sa Hudikatura pinuna ng solon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Oriental Mindoro Cong. Reynaldo Umali ang mga whistleblower na may nalalaman sa katiwalian sa Hudikatura na ilantad.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara para sa kanyang judicial reform advocacy, ipinunto ni Umali ang mga nagaga­nap na umano’y korapsyon sa hanay ng Hudika­tura na hindi masyadong nabibigyan ng pansin.

Partikular na tinukoy ni Umali ang mga kontrobersyal na ‘flip flopped decisions’ ng Korte Suprema sa kaso ng League of Ci­ties kung saan nagkaroon na ng pinal na desisyon noong 2008 na nagdedeklarang unconstitutional, ngunit makalipas ang tatlong ‘flip flopping’ ay idineklara ring naaayon sa konstitusyon noong 2011.

Binanggit din nito ang pagbawi ng SC sa naging desisyon nito sa kaso ng Keppel Cebu Shipyard Inc. sa kabila ng final and executory na ang desis­yon noong 2010 at nairekord na sa Book of Entries of Judgements ay binuksan pa  noong 2011 at nabago ang desisyon pabor sa nasabing kumpanya kung saan mula sa P329 million settlement para sa insurance ay bumagsak sa P50 million na lang na mababa ng P279 million.

Nais din ni Umali na suriin ng Kongreso ang Presidential Decree 1949 na lumikha sa JDF at tingnan kung paano ito nagagamit salig sa kanilang oversight power.

Binatikos din nito ang panghihimasok ng SC sa kapangyarihan ng House of Representatives Electoral Tribunal ng desisyunan nito ang electoral case na inihain ni Lord Allan Velasco laban kay Marinduque Rep. Regina Reyes.

Sinabi ni Umali, 170 kongresista na ang lu­magda sa kanyang resolusyon na naggigiit ng kapangyarihan ng HRET.

Babala pa ni Umali na kung dedesisyunan ng SC ang panibagong petition for mandamus na inihain ni Velasco para atasan ang Kongreso na panumpain si Velasco bilang tunay na kinatawan ng Marinduque at hindi ito sundin ay magdulot ito ng constitutional crisis.

 

BOOK OF ENTRIES OF JUDGEMENTS

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

KEPPEL CEBU SHIPYARD INC

KONGRESO

KORTE SUPREMA

LEAGUE OF CI

LORD ALLAN VELASCO

MARINDUQUE REP

UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with