^

Bansa

Cadet Cudia ‘di pa tiyak kung makaka-graduate

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala pang kasigu­raduhan kung makakapag-martsa sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class 2014 si Cadet Jeff Aldrin Cudia sa darating na Marso 16.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, ayaw nilang pangunahan ang isinasagawang pagre-rebyu ng PMA Board sa kaso ni Cudia.

Si Cudia ay nauna nang pinatawan ng admi­nistrative discharge ni PMA Supt. Vice Admiral Edgar Abogado na ang status ay ‘leave of absence’ kaugnay ng umano’y paglabag nito sa honor code na nag-ugat sa pagkahuli nito ng 2 minuto sa klase sa isa nitong aralin.

Si Cudia, top sa Navy Class at number 2 sana sa PMA Siklab Diwa Class 2014 ay inilaban ang kaso pero lalong nalaglag matapos na maiposte ng poster parent at kapatid nitong si Annavee Cudia ang sentiyemento ng kanilang pamilya sa sinapit ng naturang kadete.

Kinasuhan rin ni Cudia ang Honor Committee na hindi umano naging patas sa kaniya sa paghuhusga.

Ayon kay Zagala, depende sa magiging pag-aaral ng PMA Board ang magiging kapalaran ni Cudia at kung makukumbinsi nito ang PMA Board na wala siyang nilabag na honor code ay puwede nitong mabawi ang kaniyang dignidad at posible itong maka-graduate.

Kung hindi naman malagpasan ni Cudia ang pagsubok ay dapat rin nitong tanggapin ang kaniyang kapalaran.

Inihayag naman ni PMA spokesperon Major Agnes Lynnette Flores na paiimbestigahan ng akademya ang kambal na website ng kanilang military institusyon matapos na lumabas na pang No. 73 si Cudia sa mga kadeteng magsisipag-martsa sa graduation. Hindi umano opisyal na website ng PMA na mayroong logo ng institusyon ang nakitaan ng listahan.

Sinabi pa ni Flores na ang opisyal na listahan ng PMA graduating class ay batay sa ranking ng mga kadete sa klase at hindi alphabetical order tulad ng nakaposte sa isang nagpakilalang PMA website.

vuukle comment

ANNAVEE CUDIA

AYON

CADET JEFF ALDRIN CUDIA

CUDIA

HONOR COMMITTEE

MAJOR AGNES LYNNETTE FLORES

PMA

SI CUDIA

SIKLAB DIWA CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with