^

Bansa

Henry Sy nananatiling pinakamayamang Pinoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippine - Si mall tycoon Henry Sy at ang kanyang buong pamilya pa rin ang pinakamayayamang Pilipino at kabilang sa 100 bilyonaryo sa buong mundo, base sa listahang inilathala ng Forbes magazine.

Ayon sa Forbes 2014 list, ang 89-anyos na tycoon at ang kanyang pamilya ay pang-97 pinakamayayamang tao sa buong mundo.

Nanatili sa listahan si Sy at ang kanyang pamilya sa kabila ng pagbaba ng kanilang networth mula $13.2 bilyon sa $11.4 bilyon noong taong 2013.

Sa ulat ng Forbes, ipinasok ni sy ang kanyang property assets sa SM Prime Holdings upang makapagbuo ng kumpanyang may market cap na $9.3 bilyon.

Noong Nobyembre 2013, ang SM Land ni Sy ay nakakuha ng $1.2 bilyon reclamation project na gagawin malapit lamang sa SM Mall of Asia complex.

Ayon sa Forbes, bumagsak ng $1.8 iblyon ang yaman ni Sy dahil sa pagbaba ng shares ng SM Investments sa 30 porsyento noong 2013.

"They took a hit when the company sold some shares to institutional investors at a discount to market price," anang Forbes.

Ang 10 Filipino na pasok sa 2014 Forbes list of billionaires ay sina:

Henry Sy at pamilya - $11.4 billion (97th overall)
Lucio Tan at pamilya - $6.1 billion networth (227th)
Andrew Tan - $4.7 billion (319th)
Enrique Razon, Jr. - $4.2 billion (354th)
John Gokongwei, Jr. - $3.9 billion (388th)
David Consunji - $3.3 billion (483rd)
George Ty at pamilya - $2.3 billion (764th)
Tony Tan Caktiong at pamilya - $1.7 billion (1046th)
Robert Coyiuto, Jr. - $1.5 billion (1154th)
Andrew Gotianun - $1 billion (1565th)

Samantala nangunang muli si Microsoft owner Bill Gates sa naturang listahan ng Forbes dahil sa kanyang net worth na $76 bilyon.

Sunod kay Gates si Mexican telecom mogul Carlos Slim Helu sa net worth na $72 bilyon at pumangatlo naman si Spanish clothing magnate Amancio Ortega.

Pasok din sa listahan si Facebook founder Mark Zuckerberg na may net worth na $28.5 bilyon, na doble ang laki kumpara noong taong 2012.

vuukle comment

AMANCIO ORTEGA

ANDREW GOTIANUN

ANDREW TAN

AYON

BILL GATES

BILLION

BILYON

CARLOS SLIM HELU

HENRY SY

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with