^

Bansa

Amihan, malulusaw sa mid-March - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Philippine Athmopsheric Geophysical and Astronomical Services Adminis­tration (PAGASA) na mid-March ay malulusaw na ang hanging amihan o ang northeast monsoon.

Sa isang panayam, sinabi ni Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA, na maaaring umalis na ang amihan sa kalagitnaan ng buwan ng Marso ng taong ito dahil sa unti-unti nitong paghina.

Nilinawag ni Cada na bagamat andito pa sa bansa ang amihan ay maalinsangan ang panahon, ito ay dahilan sa ang hangin na nakakarating sa Pilipinas ay dumadaan sa ngayon sa Southern part ng Japan at Silangan ng Philippine sea.

Sinabi ni Cada na nasa transition period ang bansa ngayon o nasa proseso na mag-iiba na ang panahon mula sa malamig papuntang mainit na panahon.

“Kapag tuluyan nang naglaho ang amihan sa mid-March at ang hangin ay magmumula na sa Easterly o tinatawag na hanging silanganin, ang ibig sabihin nito ay tag-init na naman” pahayag ni Cada.

Noong nakaraang taon anya ay naideklara nila ang summer noong March 18, 2013.

 

CADA

FERNANDO CADA

INIHAYAG

KAPAG

MARSO

NILINAWAG

NOONG

PHILIPPINE ATHMOPSHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINIS

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with