Pagkuha ng mga residente bilang trabahador sa P430 B projects, giit
MANILA, Philippines - Ipinaalala ni Senator Edgardo “Sonny†Angara na dapat makinabang ang mga trabahador na taga-probinsiya sa P420 bilÂyong infrastructure budget para ngayong taon dahil nasa batas ang pagkuha ng mga residente sa lugar kung saan ipinatutupad ang proyekto.
Ayon kay Angara, nakasaad sa Republic Act 6685 na mandatory para sa mga kontraktor ang pagkuha sa kanilang workforce ng mga “actual residents†ng mga probinsiya, siyudad at lungsod kung saan isinasagawa ang proyektong pinopondohan ng buwis ng taumbayan.
Naniniwala si Angara na mababawasan ng 27.5 ang jobless rate ng bansa dahil sa P420 bilyong halaga ng proyekto na ipatutupad ngayong taon.
Ang national government aniya ang gagasÂtos sa nasabing mga proyekto kaya inaasahang madodoble pa ito o madadagdagan kung isasama ang mga local government projects.
Sa ilalim ng batas, dapat magpaskil ng “help wanted†notices sa mga lugar kung saan nakatakdang itayo ang proyekto.
“The law states that the contractor must post in conspicuous areas a notice in either Filipino, English or the local dialect, that local residents are needed for the project,†ani Angara.
Idinagdag ni Angara na maaring makinabang sa mga proyekto ang mga mag-aaral sa kolehiyo na nais magkaroon ng part-time job ngayong darating na bakasyon.
“If we can post these notices during summer, when construction is in full swing to take advantage of the good weather, then we can also attract college students who are looking for summer jobs for tuition money,†ani Angara.
Sa Labor Force Survey ng Department of Labor and Employment ang unemployment rate ay nasa 6.5 percent at ang underemployment rate ay 17.9 porsiyento.
Sa survey naman ng Social Weather Stations noong Disyembre 2013, ang “national joblessness rate†ay naitala sa 27.5 porsiyento na kumakatawan sa 12.1 milyong Pinoy na walang trabaho.
- Latest



















