^

Bansa

Kinidnap na Chinese student nakatakas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang isang araw na pagkakabihag, nagawang matakasan ng isang engineering student na anak ng mayamang mag-asawang Chinese ang kaniyang mga kidnapper nang ito ay tumalon sa talampas  sa Diplahan, Zamboanga Sibugay  kamakalawa.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 9  Spokesman, Chief Inspector Ariel Huesca ang nasabing kidnap victim na si Stephen Tan, 19 anyos.

Ang biktima ay kinidnap ng mga armadong lalaki at pu­wersahang isinakay sa isang kulay abong Ford (KGS 123) sa Brgy. Gatas, Pagadian City noong Pebrero 27 ng gabi.

Sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, piniringan umano siya ng mga kidnapper at pinaglakad ng malayo kung saan ng makasilip ng pagkakataon ay tinanggal niya ito saka tumalon sa isang talampas (matarik na bundok)  na ang babagsakan ay ilog.

Hinabol ng mga kidnapper ang biktima pero nagawa nitong makapagtago sa madamong bahagi sa lugar at ng wala na ang mga suspek ay saka ito lumabas at naglakad nang malayo.

Nagawa namang makahingi ng tulong ng biktima sa bahay na nakita nito sa lugar na pag-aari ni Clarito Ferrarin na tumawag sa mga awtoridad at sa alkalde ng Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Ipinasundo naman ng alkalde ang biktima bago ito itinurnover sa mga elemento ng Anti-Kidnapping Group  at ligtas naman itong naihatid sa kaniyang pamilya.

Pinaghahanap na ng pu­lisya ang mga kidnapper ng biktima upang panagutin sa batas.

ANTI-KIDNAPPING GROUP

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

CLARITO FERRARIN

DIPLAHAN

PAGADIAN CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

STEPHEN TAN

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with