Softdrinks sa iskul ibabawal
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal sa mga eskuwelahan ang pagbebenta ng lahat ng klase ng softdrinks.
Sa House Bill 4021 o Healthy Beverages Option Act, bukod sa soda o softdrinks ipagbabawal din ang pagbebenta ng iced tea, punches, root base drinks na may halong sweeteners o iyong hindi real fruit juices at inumin na may mga caffeine. P100,000 ang ipapataw na multa sa lalabag dito.
Itutulak ng Kongreso sa mga eskuwelahan na magbenta na lamang sila ng mga tubig, gatas at mga fresh juices na healthy pa at hindi makasasama sa kalusugan ng mga mag-aaralÂ.
- Latest