^

Bansa

Speed limiter sa bus ikakasa sa May 1

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula sa Mayo 1 ay kakabitan na ng speed limiting devices ang lahat ng mga pampasaherong bus sa bansa partikular sa Metro Manila bunsod ng sunud-sunod na aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga passenger bus.

Ito ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez ay mandatory o sapilitang ipalalagay sa mga passenger buses nationwide para maiwasang magpaharurot ang mga bus na nag-uunahan sa pagkuha ng mga pasahero na nagiging ugat ng aksidente.

Binigyang diin ni Ginez na gagawin itong requirement sa lahat ng passenger bus unit upang mapangalagaan at maprotektahan ang buhay ng “riding public” mula sa mga aksidente gayundin ang buhay ng mga driver at konduktor.

Ang speed limiter ay isang device na magtatakda lamang ng required na takbo ng isang pampasaherong sasakyan at kapag lumampas sa itinakdang kilometro ay tutunog ito o mag-aalarma bilang babala sa driver na magbagal sa pamamasada.

Nilinaw naman ni Ginez­ na hindi mag­du­dulot ng taas pasahe sa mga passenger buses oras na mailagay ang speed limiting device sa naturang mga sasakyan.

Anya, bago sumapit ang buwan ng Mayo ay ina­asahang tapos na nila ang memorandum circular para sa implementasyon ng naturang proyekto kasama ang mga dalubhasa ng University of the Philip­pines-National Center for Transportation Studies.

Sa ngayon pinag-aara­lan pa ng LTFRB kung gaano kabilis ang itatakdang speed sa mga bus.

ANYA

BINIGYANG

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

GINEZ

METRO MANILA

NATIONAL CENTER

TRANSPORTATION STUDIES

UNIVERSITY OF THE PHILIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with