^

Bansa

9 kilo kemikal ng bomba nasabat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang siyam na kilo ng kemikal na gamit sa paggawa ng bomba sa operasyon sa terminal ng bus sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 dakong alas-7:30 ng u­maga ng makatanggap ng impormasyon ang Sinda­ngan Police Station hinggl sa pagbibiyahe ng isang pasaherong babae ng mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Ang nasabat na 9 kilo ng kemikal ay idineklara umanong harina na ibiniyahe ng naturang pasahero sa Rural Transit Bus na galing Dipolog City na patungong Ipil, Zamboanga Sibugay.

Gayunman pagsapit sa Dohinob Roxas, Zamboangaa del Norte, hiniling ng nasabing pasahero na dalhin ang bagahe sa bus terminal sa bayan ng Ipil kung saan nagbayad pa ito ng P20.00 para pamasahe at binigyan ng instruksyon ang driver ng bus na ipi­pick-up  ng isang lalaki ang bagahe sa bus terminal sa nasabing bayan.

Ang nasabing babae ay nagmamadali umanong bumaba sa bus, bago pa man dumating ang mga operatiba ng pulisya para mag-inspeksyon.

Agad namang kinum­piska ng mga awtoridad ang nasabing mga bagahe na natukoy na nitrate na gamit sa paggawa ng eksplosibo.

BUS

DIPOLOG CITY

DOHINOB ROXAS

GAYUNMAN

NORTE

POLICE REGIONAL OFFICE

POLICE STATION

RURAL TRANSIT BUS

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with