^

Bansa

Special court para sa araw- araw na paglilitis ng pork barrel scam muling isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang matiyak na mas mapapabilis ang paglilitis sa mga kasong may kinalaman sa P10 bilyong pork barrel fund scam kung saan sangkot ang ilang mambabatas, muling isinulong kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang pagbuo ng special courts na maa­ring magsagawa ng araw-araw na pagdinig.

Ayon kay Cayetano, dapat maging legacy ng Supreme Court ang pagsagawa ng tuloy-tuluy na trial sa sandaling makarating na sa korte ang mga kasong may kinalaman sa pork barrel scam.

Ginawa ni Cayetano ang panawagan sa gitna na rin ng mga pangamba na mawawalang saysay ang mga isinusulong na kaso kapag umiral na ang political affiliations kapag tumagal ang pagdinig at inabot ng pagpapalit ng administrasyon.

Inihalimbawa ni Cayetano ang ginawang pagmamaliit ni Vice Pre­sident Jejomar Binay na isang political aspirant sa ginagawa ng Department of Justice na pagsusulong ng kaso laban sa mga sangkot sa pork barrel fund scam.

Inaasahan na umano ng marami na magkakaroon ng pagbabago sa administrasyon pagpasok ng 2016 kung kailan isasagawa ang presidential elections.

“Ang iba, inaasahan nila na magkakaroon ng change of administration in 2016. Tapos ang nakaupo doon ay maglalagay ng DOJ at ng NBI officials na hindi sing-init ngayon. Huwag mong sasabihin na itong mga akusado ay walang pera at walang political clout,” ani Cayetano.

Dagdag ni Cayetano na kung maraming pera ang akusado at ma-impluwensiya mawawala umano ang hustisya.

Inihalimbawa ni Cayetano ang kaso ng Ampatuan massacre kung saan matapos ang apat na taon ay wala pa ring nangyayari.

Habang tumatagal umano ang paglilitis ay nagkakaroon ng tiyansa ang mga akusado na maniobrahin ang kaso.

vuukle comment

AMPATUAN

CAYETANO

DEPARTMENT OF JUSTICE

INIHALIMBAWA

JEJOMAR BINAY

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SUPREME COURT

VICE PRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with