^

Bansa

PNP: Napoles walang problema sa kalusugan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang nakitang malalang sakit ang Philippine National Police sa kalusugan ng itinuturong nasa likod ng bilyung-bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Dinala ngayong Miyerkules ng umaga si Napoles sa PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame sa Quezon City mula sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna upang sumailalim sa ilang pagsusuri dahil sa hinihinalang may ovarian tumor ang negosyante.

"Hindi alarming at this point of time. Walang problema," pahayag ni Chief Superintendent Alejandro Advincula ng PNP Health Service.

Kaugnay na balita: Napoles dinala sa Camp Crame

Dagdag ni Advincula ay hindi rin kailangang i-confine ang kontrobersyal na negosyante.

"Hindi po sya iko-confine. As a matter of fact, ibabalik na sya sa kanyan lugar sa (Region) 4-A (detention facility)."

Natagalan pa bago nasuri si Napoles dahil sa paghihintay sa kanyang sariling doktor at mga abogado.

"More than two hours tumagal dahil inintay pa ang attending physician at attorney nya," banggit ni Advincula.

Bukod sa blood tests at transvaginal ultrasound, sumailalim din si Napoles sa papsmear examination.

Kaugnay na balita: Hospital arrest hiling ni Napoles

Aniya ilalabas ang resulta ngayong araw din subalit hindi nila ito maaaring ihayag dahil sa patient-doctor confidentiality.

“The results this afternoon makukuha  pero ‘di obligadong mag bigay as of this time because of the patient-doctor confidentiality clause...Bahala na po si Mrs. Napoles na magbigay ng details."

Naging normal din naman ang resulta ng isinagawang electrocardiograph matapos uminda ng pananakit ng dibdib si Napoles.

Kaugnay na balita: PNP gumagastos ng P5K kada araw kay Napoles

Matapos ang mga pagsusuring ginawa sa kanya ay kaagad siyang inihatid sa kanyang kulungan sa Laguna.

Nauna nang hiniling ng kampo ni Napoles na magpa-hospital arrest dahil sa umano’y hinihinalang ovarian tumor, ngunit hindi ito pinayagan ng korte.

ADVINCULA

CAMP CRAME

CHIEF SUPERINTENDENT ALEJANDRO ADVINCULA

FORT STO

GENERAL HOSPITAL

HEALTH SERVICE

JANET LIM-NAPOLES

KAUGNAY

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with