^

Bansa

Palpak na officials kinastigo, Mag-resign na kayo! - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbibitiw na lamang ni Pangulong Aquino ang mga opisyal ng gobyerno na hindi makatugon sa kanilang trabaho.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview kahapon sa Cebu City sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power revolution, kung hindi makakaya ng mga opisyal na ito ang kanilang trabaho ay mas mabuting mag-resign na lamang sila sa kanilang puwesto.

Ayon sa Pangulo, nag­tuturuan ang mga opisyal kaugnay sa pagkuwestyon nito sa status ng proyekto hinggil sa pagbabalik ng kuryente sa maraming lugar na naapektuhan ng bagyong Pablo, Santi at Yolanda.

Magugunita na kamakalawa ay nagbanta na rin si Pangulong Aquino sa ilang opisyal na nagtuturuan hinggil sa mabagal na pagbabalik ng kuryente sa Cateel, Davao Oriental na huwag nilang sagarin ang kanyang pasensiya.

Huwag ninyo akong subukan,” wika ng Pa­ngulo sa kanyang mensahe sa pagbisita nito sa Cateel, Davao Oriental kamakalawa kaugnay sa natuklasan niyang maraming barangay pa rin ang walang kuryente matapos na salantain sila ng bagyong Pablo noong 2011.

Partikular na tinukoy ni PNoy ang pagtuturuan ng Department of Budget and Management, Department of Energy (DoE) at National Electrification Administration (NEA) tungkol sa status ng electrification project sa Cateel.

Itinuturo ng NEA na nagsumite na sila ng request sa Department of Budget and Management subalit iginiit ng DBM na wala naman silang natatanggap na request.

vuukle comment

CATEEL

CEBU CITY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF ENERGY

NATIONAL ELECTRIFICATION ADMINISTRATION

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PEOPLE POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with