^

Bansa

Iwas-sunog campaign sa Taguig pinaigting

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilunsad ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ng lokal na Bureau of Fire Protection (BFP) ang mas pinatin­ding information at education campaign para makaiwas sa sunog.

Sinabi ni Mayor Lani Cayetano na ang unang dapat gawin ay ang armasan ng kaalaman ang mga mamamayan hinggil sa mga posibleng pagmulan ng sunog, gayundin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa sandaling magkaroon ng sunog.

Ang malawakang information campaign na gagawin ng BFP ay isa lang sa aktibidad ang nakahanay simula sa buwan ng Marso sa layuning ipakalat ang kahalagahan ng fire prevention and safety. Una sa mga ito ang Motorcade and Unity Walk na magtataas sa kaalaman ng publiko sa panganib na dulot ng sunog.

Ang pagpapaigting ng kampanya sa pag-iwas sa sunog ay buong taong commitment  ng pamahalaang lungsod at ng BFP para matiyak na ligtas sa sunog ang mga Taguigueno.

 

BUREAU OF FIRE PROTECTION

INILUNSAD

MARSO

MAYOR LANI CAYETANO

MOTORCADE AND UNITY WALK

PAMAHALAANG LUNGSOD

SINABI

SUNOG

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with