Go Negosyo Act aprub na sa 3rd reading ng Senado
MANILA, Philippines - Aprub na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2046 na tatawaging Go Negosyo Act sa sandaling maging ganap na batas.
Ayon kay Senator Bam Aquino, nagsulong ng panukala, layunin nito na lumikha ng mas maraming trabaho at mabawasan ang unemployment sa bansa.
Idinagdag ni Aquino na kung mas maraming maliliit na negosyo ang magbubukas marami ang mabibigyan ng hanapbuhay.
Ayon sa ulat, 66 porsiyento ng trabaho sa labor force ay mula sa MSME sector na kumakatawan sa 99 porsiyento ng lahat ng negosyo sa Pilipinas.
Sa paglago aniya ng mga maliliit na negosyo, tiyak na lalago rin ang ekonomiya ng bansa.
Layunin ng panukala na magbuo ng mga Negosyo Centers, sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI), sa bawat siyudad at munisipalidad sa bansa.
- Latest