^

Bansa

Mosyon ng Don Mariano bus na makabiyahe pa inisnab ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inisnab ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng Don Mariano Transit Corporation na makabiyahe pang muli ang mga bus nito makaraan ang madugong aksidente ng isang unit nito sa may Skyway Taguig na kumitil sa 12 pasahero nito.

Ito ay makaraang tanggihan ng LTFRB na aksiyunan ang motion for reconsideration ng naturang bus company na isinumite sa ahensiya na humihiling na baliktarin nito ang naging desisyon kamakailan sa pagkansela sa kanilang prangkisa.

Nilinaw ni LTFRB Chairman Winston Gines na walang sapat na basehan at dahilan para payagan pa na makapasada ang mga bus ng Don Mariano Transit makaraang mapatunayan nilang lumabag ito sa mga batas at patakaran ng ahensiya.

Bukod sa pagkakasangkot sa aksidente sa Skyway ng Mariano bus noong December 6, 2013 nadiskubre din ng LTFRB na ang bus company ay isa sa may pinakamaraming kaso ng aksidente sa lansangan at may pinaka maraming huli ng mga driver nito dahil sa traffic violation.

Bunga nito, hindi na kailanman makikita sa kalsada ang alinmang bus na nakapangalan sa Don Mariano Transit.

BUKOD

BUNGA

BUS

CHAIRMAN WINSTON GINES

DON MARIANO TRANSIT

DON MARIANO TRANSIT CORPORATION

INISNAB

LAND TRANSPORTATION AND REGULATORY BOARD

SKYWAY TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with