Parking area gagawing requirement sa registration ng private cars - LTO
MANILA, Philippines - Tulad sa bansang Japan, dapat ding maiÂpatupad sa Pilipinas na gawing requirement sa pagrerehistro ng mga private car ang pagkakaroon ng sapat na parking area ng mga may-ari ng natuÂrang sasakyan.
Ito ayon kay Engr. Joel Donato, hepe ng Motor Vehicle Inspection Service ng Land Transportation Office (LTO) ay upang maiwasan ang pagbubuhol-buhol ng trapiko at carnapping.
Binigyang diin ni Donato na panahon na upang gawing requirement ang pagkakaroon ng sapat na parking area para sa mga private car owners dahil maraming sumbong na maraming private car owners ay gamit ang daan na katabi ng kanilang bahay bilang parking area ng kanilang sasakyan.
Sinabi nito na naging epektibo sa Japan ang pag-require sa mga car owners na magkaroon muna ng sapat na parking area bago mairehistro ang kanilang sasakyan kayat dahil sa dami na ng mga sasakyan ngayon ay dapat nang mai-require sa Pilipinas ang ganito ring patakaran.
Sinasabing hindi lamang mga private cars ang gumagamit ng lansaÂngan bilang parking area ng kanilang sasakyan kundi maging mga public utility vehicles tulad ng passenger jeepney, taxi at AUvs gayundin ng mga utility van at trak.
- Latest