^

Bansa

TRO uli vs power hike

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay sa power rate hike ng Manila Electric Company (Meralco).

Sinabi ni SC spokesman Atty. Theodore Te, magtatagal ang nasabing TRO sa loob ng 60 araw o hanggang Abril 22, 2014.

Ito ang napagkasunduan ng mga mahistrado sa en banc session nga­yong araw batay na rin sa pagtalakay sa inihaing petisyon na “urgent motion for extension of the TRO and/or Preliminary Injunction” ng mga petisyuner sa kaso.

Kabilang sa mga naghain ng kanilang petis­yon para sa pagpapalawig ng nasabing TRO ay sina: Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan at Emmi de Jesus; Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio; at Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon.

Respondents naman sa kaso ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Meralco.

Nabatid na Disyembre 23, 2013 nagpalabas ng 60-day TRO ang SC na pansamantalang pumipigil sa dagdag singil sa kur­yente ng Meralco.

Sakaling maipatupad ang mahigit P4 kada kilowatt hour na taas sa singil, pinangangambahan na ito’y maaring magresulta sa dagdag na production cost sa mga manufacturers.

ACT TEACHERS PARTYLIST REP

ANTONIO TINIO

BAYAN MUNA REP

CARLOS ISAGANI ZARATE

ENERGY REGULATORY COMMISSION

GABRIELA WOMEN

KABATAAN PARTYLIST REP

KORTE SUPREMA

LUZ ILAGAN

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with