Martinez binati ng Pangulo
MANILA, Philippines - Binati ni Pangulong Benigno Aquino lll si Michael Martinez sa magandang ipinakita nito sa Winter Olympics at pagtatapos nito sa 19th place na ginanap sa Russia.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na sana ay maintindihan ng pamilya ni Martinez na limiÂtado ang resources ng gobyerno kaya hindi ito nakapagbigay ng malaking suporta sa nasabing atleta.
“Ang problema lang naman po kasi ay ‘yung paglalaan ng kaukulang pananalapi o resources dahil limitado po talaga ang resources ng pamahalaan dahil batid naman po natin ang prayoridad ay sa pagbabawas ng kahirapan, pagbibigay ng pagkalinga sa mga mahihirap at mga nangangailangang sektor,†paliwanag pa ni Coloma.
Idinagdag pa ni Coloma na, sa simula’t sapul, ang pananaw ng PaÂngulo ay mag-focus sa mga sports na mayroong competitive advantage ang PiÂlipino, “‘yung puwede tayo talagang makipaglaban sa medalya at makapagdulot ng karangalan. Sa kanyang palagay ‘yan ang dapat bigyan ng dagdag na resources.
Sinabi pa ni Coloma na binabati ng Palasyo ang magandang ipinamalas ni Martinez sa Winter Olympics bagaman naÂging 19th place lamang siya ay maganda na ito dahil wala naman tayong snow dito pero nakapasok pa siya rito na dapat lamang ipagbunyi ng mga Pilipino.
- Latest