Biktima ng Florida bus walang matatanggap na insurance
MANILA, Philippines - Walang matatanggap na insurance ang mga nasawing biktima ng Florida bus na nahulog sa isang bangin sa Mountain Province, ayon sa isang opisyal ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Philippine Accident Managers Inc. (PAMI) Chairman Ed Atayde na hindi nakarehistro ang pampasaherong bus na may pekeng plakang TXT-872.
"Hindi naman 'yun ang in-insure namin na bus e. So hindi babayaran ang insurance," pahayag ni Atayde sa isang panayam sa radyo.
Kaugnay na balita: Pamilya ni 'Tado' kakasuhan ang Florida bus
Makatatanggap sana ng P150,000 accident benefit ang naiwang pamilya ng mga biktima at P20,000 naman sa mga sugatan.
Umabot sa 17 katao ang nasawi sa insidente, habang higit 30 naman ang sugatan.
Pero kahit papaano ay may makukuhang P75,000 accident liability insurance ang pamilya ng mga biktima, habang P15,000 sa mga sugatan, ayon sa kautusan ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairman Winston Ginez kasunod nang aksidente ng Don Mariano Transit sa Skyway.
Lumabas sa imbestigasyon na ilegal ang operasyon ng naturang bus na may biyaheng pa-Bontoc.
"What the bus company committed [are] blatant multiple violations that we cannot just tolerate because they put people’s life in danger," banggit ni Ginez.
- Latest