Aksidente no. 5 killer sa Pinas
MANILA, Philippines - Pang-lima na sa “leading killer†sa Pilipinas ang aksidente kung saan kabilang ang mga aksidenteng kinakasangkutan ng mga sasakyan.
Ito ang sinabi kahapon ni Senator Ralph Recto kasabay ang paggigiit na dapat gawing ligtas ang “tuwid na daan†na ikinakampanya ng admiÂnistrasyon.
Ayon kay Recto, sa Metro Manila pa lamang nakakapagtala ng isang vehicular accident sa bawat pitong minuto base sa naitalang 77,110 insidente ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong 2011.
Mas naunahan pa ng ‘aksidente’ bilang leading killer sa Pilipinas ang sakit na diabetes at TB.
Lumabas din sa taong 2011, na 396 ang namatay dahil sa traffic accidents sa National Capital Region na maihahalintulad sa dalawang Airbuses na puno na pasahero.
Halos kalahati ng namatay o 181 ay mga peÂdestrians katulad ng mga naghihintay lamang sa isang waiting shed malapit sa Dasmariñas Village pero inararo ng isang bus.
Sinabi ni Recto na dahil sa nagaganap na aksidente, nagbuo ang gobyerno ng isang Philippine Road Safety Action Plan para sa 2011-2020. Pero katulad aniya ng maraming plano ng gobyerno, hindi pa ito naipapatupad.
Naniniwala si Recto na dapat ng gamitin ang bahagi ng P12 bilyong annual collection mula sa Road Users Tax para sa road safety.
Dagdag ni Recto na mas marami pang dapat gawin ang gobyerno para masolusyunan ang “national epidemic†na aksidente sa mga lansangan.
- Latest