Mga bayaning OFW pinasalamatan ng Pangulo
MANILA, Philippines - Pinasasalamatan ng Pangulong Benigno Aquino III ang mga bagong bayaning OFW sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya kabilang ang mga seafarers at mga manning agencies.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe sa ginanap na awarding sa Malacañang kahapon para sa natatanging mga manning agencies, malapit nang makamit ng Pilipinas ang mithi nitong makalikha ng mga trabaho upang hindi na mangibang bansa ang mga OFW’s.
Nagkamali pa ng pagpapakilala kay Pangulo si DOLE Sec. Rosalinda Baldoz kung saan ay nasabi nitong “His Excellency President Benigno S. Aquino II†gayung dapat ay Benigno Aquino lll.
Kabilang sa mga binigyan ng presidential award ay ang Atlantic Gulf & Pacific Company of Manila Inc., EDI Staffbuilders International Inc., International Skill Development Inc., Anglo-Eastern Crew Management Philippines Incorporated, United Philippine Lines Inc. habang ang awardees of excellence naman ay ang Abba Personnel Services Inc.,2. Baliwag Navigation Inc., CF Sharp Crew Management Inc., KGJS Fleet Management Manila Inc., Magsaysay MOL Marine Inc., Marlow Navigation Phils Inc., OSM Maritime Services Inc., Pacific Ocean Manning Inc, at Sea Power Shipping Enterprises Inc.
Kinilala naman bilang top performers ang RRJ International Manpower Services Inc.,Crossworld Marine Services Inc., Maersk-Filipinas Crewing Inc. at Scanmar Maritime Services Inc.
- Latest