2nd warrant, ipinalabas ng Manila RTC Reghis Romero pinaaaresto
MANILA, Philippines - Ipinaaaresto ang kilalang bilyonaryong negosÂyante na si Reghis Romero dahil sa akusasyong nagugulangan nito ang gobyerno kaugnay sa iligal umanong pagpapa-upa sa lupaing pag-aari ng pamahalaan.
Nabatid na dalawang magkahiwalay na warrant of arrest ang ipinalabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 19 laban kay Romero sa kasong estafa, na inisyu noong Nobyembre 7, 2013 at nitong Enero 27, 2014.
Nag-ugat ang kaso noong Abril 18, 2012 at Mayo 22, 2012 na inihain ng Home Guaranty Corporation (HGC) laban kay Romero at sa kanyang property manager na si Alexander Lapore.
Ang mga lupain na pag-aari umano ng HGC sa Manila Harbour Centre (MHC) ay pinauupahan at kinokolekta nina Romero sa AWECA Cargo Services at hindi naman inire-remit sa HGC. Bukod pa ito sa iligal ding pagpapa-upa ni Romero at Lapore sa isa pang lupaing pag-aari din ng HGC na matatagpuan sa Manila Harbour Centre sa Marjovic Trucking, Rubenori Trading at Trans global Trucking na hindi rin isinusurender ang bayad sa HGC.
Ang mga property na pagmamay-ari ng HGC sa loob ng MHC ay bahagi ng asset pool na inilipat sa pangangasiwa ng HGC, nang kunin na nito ang obligasyon sa pumalpak na 1993 Smokey Mountain Development and Reclamation Project (SMRDP).
Ang SMRDP ay joint venture sa pagitan ng National Housing Authority at ng R-II Builders na kumpanya ni Romero para sa pagko-convert sa tambakan ng basura ng Smokey Mountain sa housing project, kabilang umano sa kontrata ang reclamation sa mga lugar na dapat na binalikat ng R-II builders sa bahagi ng Radial Road o R-10 na hindi umano natugunan.
Bunga ng pagkabigo ng R-II builders sa naturang proyekto, nasuspinde ang development ng housing project ng SMRDP hanggang sa maaprubahan na ang securitization concept ng pagbuo ng pondo para maipagpatuloy ang proyekto subalit ito ay ang Smokey Mountain Asset Pool Formation Trust Agreement (SMAPFTA) at pagpasok ng HGC.
Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng nakalap na pondo sa pag-isyu ng bonds na tinawag na Smokey Mountain Project Participation Certificates (SMPPCs).
Kabilang sa proyekto ang 21.2 ektaryang Smokey Mountain sa Tondo, Maynila, 79 ektarÂyang Manila Bay foreshore property na i-re-reclaim at shares sa Harbour Centre Port Terminal Inc. (HCPTI).
- Latest