Abogado ni Vhong nagbitiw
MANILA, Philippines - Nagbitiw na si Atty. Dennis Manalo bilang legal counsel ng TV host/actor na si Vhong Navarro bunsod na rin ng high profile case na kanyang hawak sa ngayon.
Kasabay nito, sinabi rin ni Manalo na hindi na rin siya partner ng Siguion Reyna Montecillo & Ongsiako law firm, na may kaugnayan kay Senator Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Manalo, napagkasunduan nila ng mga kasamahang abogado na si Atty. Alma MaÂlonga na ang tatayong lead counsel simula ngaÂyon upang matutukan ang kanyang pagiging lead counsel ni Ruby Tuason.
Itinanggi nito na na-‘pressure’ siya sa kaso ng ‘It’s Showtime’ host.
Si Manalo ang kasalukuyang abogado ni Ruby Tuason, na lumutang kaÂmakalawa upang tumestigo sa pork barrel at Malampaya fund scam.
“Hindi na po ako magiging involved totally. I have already given my share in the investigative process. Nakalatag na yung ebidensiya and as far as the case is concern the matter will already go through formal process of the preliminary investigation,†ani Manalo.
Aniya, magagaling ang mga abogado na may hawak ng kaso ni Navarro kaya tiwala ito na mapo-prosecute ang kaso.
Matatandaan na sinampahan ng kasong serious physical injuries, grave threat, grave coercion, unlawful arrest, blackmail at serious illegal detention sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at anim pa.
Kasong panggagahasa naman ang isinampa ni Cornejo laban kay Navarro na mariin namang itinanggi ng huli.
- Latest